Isang lalaki na umiwas sa checkpoint ang sinita ng mga pulis ngunit nilunok ang dala-dala niyang droga umano sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Babag.

Matapos sitahin, sinabi ng mga awtoridad na nanipa pa ng pulis ang lalaki.

Mahaharap ang lalaki sa mga reklamong resistance and disobedience to a person in authority at direct assault.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News