Sa gitna ng tag-init, nag-hailstorm o umulan ng yelo sa Carmen, Cotabato!

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, sinlaki ng butil ng mais ang bumagsak na yelo sa Barangay Aroman, kasabay ng malakas na ulan kahapon.

Sa Barangay Kibudtongan naman, mayroong yelo na sinlaki ng holen at mayroon ding mas malalaki pa.

Sa Bontoc, Mountain Province, may kasama pang malakas na hangin at kulog ang malakas na ulan kahapon. — BM, GMA Integrated News