Nauwi sa pamamaril ang pagkakabisto sa dalawang pulis na nagtatalik umano sa nakaparadang sasakyan sa Calamba, Laguna. Ang nakakita sa dalawang pulis na magkaulayaw umano, ang mga asawa nila na mga pulis din.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Linggo, sinabi ng pulisya, na nahuli ng lalaki at babaeng pulis ang kanilang mga misis at mister na nagtatalik.

BASAHIN: Alamin kung ano ang sinasabi ng batas tungkol sa pakikiapid?

ALAMIN: Kung textmate o chatmate lang ang relasyon, maituturing na bang kabit?

Kinompronta nila ang kanilang mga asawa pero nagtangka umanong tumakas ang mga ito na nauwi sa pamamaril.

Tinamaan sa balikat ang pulis na sinasabing nahuling nakikipagtalik, at dinala siya sa ospital.

Nakatakas naman ang sinasabing babaeng pulis na kaniyang kaulayaw.

Nahaharap sa reklamong adultery at concubinage ang umano'y magkaulayaw na mga pulis. — Sherylin Untalan/BM, GMA Integrated News