Sa dami ng mga tao na nagsisiksikan sa maliit na lugar, nagkalat na mga basura, at may mga batang maagang nalululong sa masamang bisyo, ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa mga residente ng Vitas, Tondo, na inilarawang isa mga pinakamiserableng lugar sa Pilipinas?

Sa dokumentaryo ni Jay Taruc sa "I-Witness," alamin at pakinggan ang pangamba ng mga residente sa planong pagpapaalis sa kanila sa lugar dahil sa matagal nang planong demolisyon na ilang beses na rin ipinagpaliban.

Bakit nga ba marami sa kanila ang nais na manatili pa rin sa Vitas kahit may mga nakalaang pabahay na paglilipatan sa kanila. Panoorin ang dokumentaryong "Vitas ng Tondo."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News