Marami ang bumilib sa pitong-taong-gulang na si Schwarzenegger Balasan nang mag-viral ang kaniyang video hangang gumagamit ng unicycle sa pagpasok niya sa paaralan.

Pero ang hindi alam ng marami, posible pala siyang maging pambato ng Pilipinas sa mga international sports competition sa hinaharap. Kung bakit, panoorin ang kaniyang kuwento sa video na ito ng  "Tunay Na Buhay."



Bukod sa pag-aaral, pinagtutuunan din ng oras ni Schwarz ang pagsasanay sa gymnastics upang maging bahagi siya ng national team sa hinaharap at isasabak ng bansa sa mga kompetisyon.

 

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News