Laki sa hirap si Angelito at naging palaboy. Pero nagsikap siya sa buhay at kung anu-anong trabaho ang pinasok para matustusan ang mga pangangailangan para mabuhay.

Nang makapag-asawa, sa kulungan sila ng baboy tumira.  Dito ay lalo naman siyang nagsikap hanggang sa unti-unting suwertihin at nakapagpundar ng bahay at lupa, dagdag na negosyo, at ngayon ay hangad niyang mabili ang kaniyang dream car.

Para mabili ang pinapangarap na sasakyan, nagsimulang mag-ipon sa alkansiya noong Marso. Pagkaraan lang ng anim na buwan, nabili na ni Angelito ang sasakyan.

Alamin ang kuwento ng buhay ni Angelito at ang kaniyang game plan sa pag-iipon na maaaring gawing inspirasyon. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."



Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News