Mula nang pumanaw ang kaniyang ina na kasama niya sa buhay, nagpasya na si Mang Eliseo na kumayod na mag-isa upang buhayin ang sarili kaysa umasa sa awa.

Naglalakad siya sa bundok, umaakyat ng puno ng niyog at kumukuha ng dahon na ginagawa niyang walis-tingting para ibenta. Nagagawa niya ang lahat nang ito kahit wala siyang paningin.

Tunghayan ang kahanga-hangang kuwento  ni Mang Eliseo na lumalaban sa hamon ng buhay sa episode na ito ng programang "Tunay Na Buhay."

Sa maghapon, nakabebenta lang ng tatlong walis-tingting si Mang Eliseo sa halagang P20 ang isa, o P60 na kita sa isang araw. Kung maliit ito para sa iba, para sa isang bulag na katulad niya, napagkakasya na niya ito sa loob ng dalawang araw.

Bagaman mahirap umano ang buhay ng bulag, nais ni Mang Eliseo na magbanat ng buto at hindi basta umasa sa tulong ng iba dahil batid niyang malakas pa naman ang kaniyang katawan.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News