Dalawang linggo bago ang kasal ni Lea, nalaman niyang magpapakasal din ang kaniyang kuya dahil nabuntis daw ng huli ang kaniyang nobya. Dito naisip daw ni Lea ang matandang paniniwala na malas sa magkapatid ang ikasal sa magkaparehong taon na kung tawagin ay "sukob" at mamalasin daw ang mas bata.

Ang "sukob" nga kaya ang dahilan kaya minalas si Lea at binuwenas naman ang kaniyang kuya? Kung mangyari ito sa magkapatid, ano naman kaya ang puwedeng gawin para maputol ang kamalasan o ang umano'y sumpa? Panoorin ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News