Sinasabing namana ng mga Pinoy sa mga Intsik ang paggawa ng itlog na maalat, pati na rin ang pagkulay nito ng pula.

Sa programang "Pinas Sarap," sinabing kinukulayan ng pula ang itlog na maalat dahil na rin sa paniniwala ng mga Intsik na suwerte ang naturang kulay sa bilog na hugis.

Para makagawa ng itlog na maalat, pinipili muna ang mga itlog na may makapal na balat mula sa itikan, saka iluluto nang walo hanggang 10 oras.

Ginagamit naman ang putik na may asin para pumasok ang alat sa loob ng itlog. Lingid sa kaalaman ng lahat, may "pores" ang itlog ng mga itik kaya nakakapasok ang maalat na lasa.

Matapos ang 18 araw, puwede nang hugasan ang mga itlog na ibinabad sa putik, saka pakukuluan at kukulayan ng pula. Panoorin ang buong proseso sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News