Kung dati ay hinahaluan lang ng kamatis at ipinapares sa ulam ang itlog na maalat, ngayon ay puwede na rin itong dessert bilang ice cream. Ano naman kaya ang lasa nito?

Sa programang "Pinas Sarap," sinabing ito ang pinakabagong creation ng Karabella Dairy, na gumagamit ng fresh cow's milk sa kanilang mga ice cream.

Layunin din kasi ng kompanya na makatulong sa mga magsasaka sa lugar.

Panoorin sa video ang proseso sa paggawa ng salted egg caramel ice cream at kumustahin ang kaniyang lasa.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News