Kung nabitin ka at naintriga sa boses ng tinatawag na si "Microphone Diva" sa kaniyang viral video na nag-emote lang pero hindi naman kumanta, sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinarinig ni Giselle Sambo ang kaniyang boses na pang-videoke. Panoorin.

Ipinaliwanag din ni Giselle kung bakit hindi siya kumanta sa kaniyang viral video na mayroon nang mahigit dalawang milyon views. Bukod dito, mayroon din palang hugot sa buhay si Giselle tungkol sa isang babae na labis na niyang nami-miss ang boses— ang kaniyang tiyahin na nag-aruga sa kaniya at pumanaw noong lang nakaraang taon dahil sa sakit.


Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News