Mga simbahan o sikat na lugar sa mga probinsya na dapat bisitahin sa Visita Iglesia
MARSO 28, 2024, 3:54 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Bukod sa mga naggagandahan at natatangi nilang istruktura, dinarayo rin ang mga simbahan at iba pang sikat na lugar sa mga probinsiya para makapagnilay ang mga deboto ngayong Semana Santa. Alamin ang ilan sa mga ito, ayon sa nakalap ng GMA Integrated News Research.