Umabot na sa 16 million ang views ng video ng "Momo Boys" Bboom Bboom dance change na nag-viral. 

Isang grupo ng Hong Kong-based OFWs ang Momo Boys na pangtapat umano sa K-pop girl group na Momoland.

Ayon sa ulat ng Balitanghali, napagkatuwaan lamang umano ng all-boys OFW group na i-video ang kanilang Bboom Bboom dance nang sabay-sabay silang magbakasyon sa Thailand.

Todo-bigay ang kanilang pagsasayaw sa Bboom Bboom dance challenge. —LBG, GMA News