Naniniwala raw si teacher Aileen Sto. Domingo sa kasabihan na "the teacher is the best visual aid" sa pagtuturo. Kaya naman ni-level up pa niya ang sarili at sinamahan ng pagsusuot ng iba't ibang costume tulad sirena, bruha, Sang'gre at iba pa para makuha ang atensyon ng mga estudyante. Panoorin ang kahanga-hanga niyang kuwento sa video na ito ng "Front Row."

Pero hindi lang ang edukasyon ng mga bata ang pinagmamalasakitan ni teacher Aileen kung hindi maging ang kalagayan ng mga mag-aaral tulad ng mga undernourished. Binibisita rin niya ang mga bata sa kanilang bahay para makita ang tunay nilang kalagayan sa labas ng paaralan.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News