Viral sa social media ngayon ang video ng isang lalaking may kapansanan na nagtitinda ng basahan sa Quezon City, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Huwebes.

Bagama't walang mga kamay at paa, masipag pa ring nagbebenta ng basahan si Roque Albor sa Balintawak.

Dahil sa kanyang video na may mahigit 3 milyong views na, isang grupo ang nangakong magdo-donate ng prosthetic hands kay Albor. —KBK, GMA News