Sa gitna ang mga nauusong dance challenge, naisipan ng mga miyembro ng isang dance troupe sa Quezon City na gumawa ng dance challenge na sariling atin.

Ang ginawa nila, nilagyan ng twist ang larong pambata na "Nanay, Tatay Gusto ko Tinapay." At ang leveled-up na laro ay nag-viral nga.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, pinauso ng magkakabarkadang sina Jimloyd Tambot, Renz Bercasio, Kevin Peñalosa, at rolando Orlindo Jr ang "sariling atin" na dance challenge.

Ayon kay Jimloyd, tila nakalilimutan na raw ng kabataang Pinoy ang mga larong sariling atin.

Kaya naisipan umano nilang lagyan ng twist ang "Nanay, Tatay, gusto ko tinapay; Kuya, Ate gusto ko kape..."—LBG, GMA News