Viral sa social media ang nakakaaliw na kanta na tungkol sa matinding trapik na nagawa ng isang family driver sa Makati.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, pinalitan ni Jeffrey Agravante aka "Japer Sniper," ang liriko sa sikat na kanta ni Ricky Martin na "Livin La Vida Loca," para ibagay tungkol sa trapik.

Ayon kay Jeffrey, mahilig daw talaga siyang gumawa ng mga parody song at dahil sa laging nararanasan ang trapik, naisipan niyang gumawa ng kanta tungkol dito.

FRJ, GMA News