Kumakalat ngayon sa social media ang video ng isang lola na todo hataw sa pagsu-Zumba sa isang mall sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa nag upload ng video sa Facebook na si Eicko Vinluan, bigla na lang raw nagpunta sa unahan ng mga nagsu-zumba si Lola at naki-hataw na rin ito.

Lahat raw ay namangha sa ipinakitang galing ni Lola.

Nakausap ng GMA News ang isa sa mga 33 apo ni Lola na si Faith Hannah. Ang Lola pala na mahilig humataw ay si Lola Julieta “Julie” Parolan na 91 years old na.

May siyam na anak si Lola Julie.

Mahilig raw talaga si Lola sa iba't ibang activities. Minsan raw ay hindi na nila ito pinapayagan dahil sa katandaan nito subalit lagi raw tumatakas si Lola.

Mahilig raw sumayaw si Lola at sumali sa mga contest para sa mga senior citizens tulad ng beauty pageant at dance contest.

Matiyaga rin daw itong pumila sa mga pa-contest sa mga noontime show. Minsan nga raw ay nanalo na ito sa “Sa Pula sa Puti” portion ng Eat Bulaga.

Sa ngayon daw ay patuloy sa ganitong gawain si Lola na nagpapalakas sa kanyang katawan. —KG, GMA News