Nitong nakaraang Linggo, itinampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang buhay ni Lynlyn, ang babaeng kinatakutan ng ibang tao nang dahil sa kaniyang misteryosong karamdaman. Nitong Martes ng umaga, napag-alaman na pumanaw na siya.

Balikan ang matinding kalbaryo sa buhay na pinagdaanan ni Lynlyn sa kaniyang pamilya at sa ilan niyang kababayan na hindi nakaunawa sa kaniyang karamdaman, na napag-alamang filariasis o elephantiasis.

Sa kabila ng kaniyang masaklap na buhay, nakahanap pa rin naman siya ng kakampi sa piling ng ilang tao na nagmalasakit, tumulong at nag-aruga sa kaniya.

Sa tulong ng "KMJS," natupad din ang tangi niyang hiling na makita ang kaniyang ina na maraming taon na niyang hindi nakita. Pero hindi naging madali ang sitwasyon sa kanilang muling pagtatagpo.

Balikan ang kuwento ng buhay ni Lynlyn na hanggang sa huli ay nagpakita ng katatagan. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

 

--FRJ, GMA News