Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang laglagan online ng isang mag-asawa nang sumabak sila sa "Ako 'yan, Hindi ako 'yan'' game.

Sa GMA News "Balitanghali Weekend" nitong Sabado, sinabing nag-viral sina Tatay Egong at Nanay Lina nang sagutin nila ang tanong ng kanilang mga anak tulad ng "Sino ang isang beses lang magsipilyo sa isang araw?"

Dahil sa tanong, nabisto pa si Tatay Egong.

Ikinatuwa rin ng netizens nang si Nanay Lina naman ang mabuking bilang mas "mabungaga" sa bahay.

Umabot na ng halos limang milyong views ang laglagan ng mag-asawa. — Jamil Santos/MDM, GMA News