Noong ipinagbubuntis daw ng kaniyang ina ang 15-anyos na si Lablab, nakahiligan daw ng ginang na titigan at laging hinahanap ang stuffed toy na pato. At nang isilang ang sanggol, kaagad daw na nakita na malaki ang mga paa ng bata na ikinagulat nila.

Dahil sa kaniyang kalagayan, hindi maiwasan na maging tampulan ng tukso at pambu-bully si Lablab.  At dahil nahihirapan siyang makalakad papunta sa paaralan, napilitan ang dalagita na tumigil na sa pag-aaral kahit pa sinasabi ng kaniyang guro na matalino siyang bata.

May kaugnayan nga kaya sa paglilihi ang paglaki ng mga paa ni Lablab? May paraan pa kaya upang maayos ang kaniyang mga paa para makapamuhay pa siya ng normal. Alamin ang kuwento ni Lablab sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News