Gaano kahirap kumita ng pera ngayon?

Viral ngayong ang buwis-buhay na paghahanapbuhay ng isang konduktor ng bus dahil naningil ito ng bayad sa pamamagitan ng paglalambitin at paglipat-lipat sa mga handrails ng bus.

Nag-ala Spiderman ang konduktor dahil naubusan siya ng espasyo sa bus na naguumapaw sa pasehero.

Biyaheng Fairview, Quezon City ang naturang bus.

Mayroong mga netizens na natuwa sa diskarte ng konduktor ngunit mayroon rin namang mga nabahala dahil ito ay delikado. —Llanesca T. Panti/JST, GMA News