Sa isang pag-aaral, sinasabing kaya umanong basahin ng mga kambing ang damdamin ng mga tao kung galit o masaya ang mga ito. At ang gusto nila—masaya.

Sa ulat ng Reuters, sinabing inilagay ang mga kambing sa isang saradong lugar na mayroong dalawang larawan ng tao na isang galit at isang masaya.

Sa maraming pagkakataon, mas pinupuntahan umano ng mga kambing ang larawan na masayang tao.

Ayon pa kay Dr. Alan McElligott, ng University of Roehampton, hindi raw basta nagpupunta ang mga kambing sa napili nilang larawan. Sa halip, tila minamasdan daw muna ng mga hayop ang dalawang mukha.

Panoorin ang naturang report:

--Reuters/FRJ, GMA News