Ilang oras matapos ilunsad ang bagong Kapuso Christmas station ID nitong Linggo, naging top trending video na ito sa Youtube.


Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nagsama-sama ang mga Kapuso celebrities at news and public affairs personalities, regional TV group, at mga Pinoy saan mang panig ng mundo sa bagong GMA Christmas station ID na "Ipadama Ang Puso ng Pasko."

Itinampok dito ang puso ng mga grupong bukal ang pagtulong sa kapwa, at ang mga Kapuso stars at personalities na nagbahagi ng kanilang tulong sa maliliit nilang pamamaraan.

Patunay na ang pasko na buhay na buhay sa puso ng bawat pilipino.

Nag-uumapaw ang good reviews sa naturang 2018 Kapuso Christmas station ID.-- FRJ, GMA News