Marami umano sa mga naaksidente o naging biktima ng karahasan na nasugatan ang maaaring nabuhay kung kaagad na napigilan ang pagtagas ng dugo sa kaniyang sugat. Maaari itong magawa gamit ng panyo, relo at ballpen. Panoorin.

Sa programang "Mars", itinuro ng isang ekperto ang tamang paraan sa paglalapat ng paunang lunas para maagapan ang pagdurugo sa sugat tulad ng paglalagay ng "tourniquet" o tali.

Kabilang sa dapat umanong tandaan sa paglalagay ng "tourniquet" ay kailangan nasa itaas ito [dalawa o tatlong pulgada ang layo] sa nagdurugong sugat. Higpitang mabuti ang pagkakatali hanggang sa makita na tumigil na o napahina na ang paglabas ng dugo.

Huwag din munang isipin kung hindi lubos na malinis ang gagamiting tela sa pagpigil ng dugo dahil ang dapat na unang isipin ay mapigilan ang pagdaloy ng dugo at saka na isipin ang problema ng impeksyon na mas madali umanong malulunasan.

Panoorin ang buong proseso ng pagbibigay ng first aid sa nasugatan sa video na ito ng "Mars."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News