May kani-kanilang hula na ang netizens matapos ilabas ang pangalawang pasilip sa magiging movie collaboration ng GMA Pictures at Star Cinema

Nitong Biyernes, ipinost ng dalawang film production companies sa social media ang larawan na may nakasaad na "Hello!" sa ibabaw ng ulap.

Magkahalong pink at purple ang kulay ng ulap at kalangitan.

"OMW! Can't wait to say 'hello' when we meet again this Sunday, May 19, 6 PM (MNL time)," saad sa caption.

Nitong Huwebes, unang inilabas sa social media ang larawan na may nakasulat na "This is finally happening."

Naging kapansin-pansin na kulay pink ang salitang "finally."

Sa post ng GMA News sa Facebook, nagkomento ang mga netizen ng naiisip nilang title ng movie at kung ano ito.

Sa May 19 sa ganap na 6 p.m., maglalabas pa ng mas maraming detalye tungkol sa naturang pelikula. Abangan.--FRJ, GMA Integrated News