Hindi lang magkakamukha, ngunit sabay-sabay na ga-graduate na cum laude sa kolehiyo ang triplets sa Cabagan, Isabela.

Sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing magtatapos sa kursong Agriculture ang magkakapatid na sina Ace, Jack, at King Pagaran na mga masisipag sa pag-aaral.

Bago nito, hindi naging biro ang pinagdaanan ng mga magsasaka nilang magulang, na iginapang ang kanilang pag-aaral.

Nakaranas ang pamilya na mangutang, humingi ng tulong sa kaanak at ibenta ang sinasaka nilang lupa.

Sa Hunyo 26 sila nakatakdang umakyat sa entablado para sa kanilang pagtatapos. — Jamil Santos/MDM, GMA News