Matapos magsilbi sa bayan, hinahanapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng pamilyang aampon ang pinagretiro nilang mga aso na naging katuwang nila sa paghahanap sa iligal na droga.

Sa Facebook post ng PDEA, "These dogs who are now retired, need a family and a forever home where they will be treated as HEROES and simply be dogs."

Ang mga intesadong umampon sa mga aso ay maaari umanong makipag-ugnayan kay Bernardo Velasquez sa cellphone no. 09171423460.

 

--FRJ, GMA News