Nasa 200 set ng mga kambal at triplet ang nagsama-sama sa iisang lugar para magsaya at makapagtala ng bagong rekord sa Ukraine.

Ang ibang ina na dumalo sa naturang pagtitipon, nais din na makapaghikayat sa mga mag-asawa na magkaroon ng anak, ayon sa ulat ng Reuters.

"I hope this record will somehow influence people who've decided not to have children. They'll see twins and triplets and that parents aren't overwhelmed by them. The more children, the better," sabi ni Ann Oliynyk, na triplet ang lima sa kaniyang mga anak.

Ikinatuwa naman ni Vitaliy Zorin, Ukrainian National Record Registry, ang dami ng mga dumalo na pagpapakita na dumarami ang positibong nagaganap sa kanilang bansa.

Dagdag niya, "And that Ukraine supports the worlds trend as more twins and triplets are born every year due to medical and family reasons. -- Reuters/FRJ, GMA News