Pinagkaguluhan ng mga residente sa may Navotas City ang napadpad na patay na butanding sa karagatan malapit sa fish port ng lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-11 pa ng gabi noong Huwebes namataan ang palutang-lutang na butanding.

 

A 16 foot dead whale shark or butanding lies on dockside after it was found floating off the Navotas Fish Port on Friday, August 17, 2018. GMA News

 

Hindi pa kalakihan ang sukat ng butanding kumpara sa laki ng karaniwang butanding na nakikita sa karagatan kaya pinaniniwalaan na bata pa ito, ayon sa ulat ng Dobol B sa news TV ng Super Radyo dzBB.

Nagtulong-tulong ang mga awtoridad at mga residente na maiahon ang patay na hayop na nagsisimula na umanong mangamoy.

Susuriin ang butanding upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. —LBG, GMA News