Isang 17-anyos na junior high school dropout ang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa China dahil sa pagpapanggap umano sa social media na isa siyang bilyonaryo.

Sa ulat ng Reuters, sinabing bukod sa pagpapanggap ng bilyonaryo, binigyan daw ng binatilyo ang sarili ng titulo, at nagpo-photoshopped ng mga larawan na kasama ang ilang world leader tulad ni U.S. President Donald Trump, na inilalagay niya sa internet.

Ayon sa pulisya sa Shandong, may apelyidong Shi ang binatilyo at tinatawag ang sarili na “Sh Runlong Jocker” sa social media na magpapakilala ring Chinese New Zealander na mula sa Hong Kong.

Nagpapanggap din umano ang binatilyo na board member ng Japanese Red Cross Society at director ng inimbento niyang Shandong Internet Economic Research Centre.

Inaakusahan din ang binatilyo na nasa likod ng pekeng artikulo na kunwaring lumabas sa news agency na Xinhua na isa siyang "poverty alleviation hero."

“Shi had paid people to write the fake articles and Photoshop fake pictures and posted online...We will punish those who spread rumors online with an adverse impact on the society,” sabi ng Public Security Bureau sa Jinan, kapitolyo ng Shandong sa kanilang official Weibo account.-- Reuters/FRJ, GMA News