Isang kambing na isa lang ang mata at walang ilong ang ipinanganak sa Barangay San Bartolome sa Rosales, Pangasinan nitong Martes.



Ayon kay YouScooper Sofia Cariaga, dahil walang ilong, sa bibig na rin humihingi ang kambing. Dahil dito, hindi maiwasan na hingalin ang kambing tuwing sumususo.

Sabi pa no Cariaga, hindi pa napatitignan sa beterinaryo ang kambing dahil nasa liblib na lugar sila. Kaya naisipan niyang humingi na lang ng tulong online para masuri ang kondisyon ng hayop. --FRJ, GMA News