Sa nakalipas na 18 taon, nawawalan ng mga panty sa sampayan ang mga residente sa Sitio Quiling sa Guimaras. Hindi naman sila makapagsumbong sa pulis dahil baka isipin na gumagawa lang sila ng istorya. Hanggang nitong nakaraang linggo, nadiskubre ang nasa 80 piraso ng panty na nakabaon sa ilalim ng puno ng kawayan.

Malulutas na nga kaya ang misteryo kung sino o ano ang nasa likod ng mga ninanakaw na panty o madadagdagan lang ang palaisipan sa naturang kaso?

Panoorin ang ginawang pagtutok na ginawa ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" upang alamin ang katotohanan sa pagkawala ng mga panloob na kasuotan ng mga babae at ang reaksyon ng pulisya.

 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News