Nagpamalas ng magandang kalooban ang isang taxi driver nang tulungan niya ang isang buntis na inabutan ng pananakit ng tiyan sa kalsada.

Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing pinara ang taxi driver ng mga tao na unang tumulong sa buntis na natumba at napahiga na sa kalsada dahil sa pagsakit ng tiyan.

Kaagad namang isinakay ng driver ang buntis para dalhin sa ospital pero hindi na umabot dahil napaanak na ang ginang sa loob ng kaniyang sasakyan.

Kahit hindi sila nakaabot sa ospital, ligtas naman ang ina at ang bagong silang na sanggol na pinangalanang Mark Ramil.-- Llanesca T. Panti/FRJ, GMA News