Parang kasabihan na "ang palay ang lumapit sa manok" ang nangyari sa Malimono, Surigao del Norte nang mapadpad  sa dalampasigan ang mga isda tulad ng tuna upang mahuli ng mga mangingisda.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, ipinakita ang video kung saan walang kahirap-hirap na hinuli ng mga residente ang mga isdang tuna at salindato gamit ang lambat sa dalampasigan ng Barangay Karihatag.

Kaniya-kaniyang huli at lagay sa bangkay ang mga mangingisda sa mga isda. May mga tuna na makikita rin na nakahilera pa sa baybay.

Sabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, natural lang daw na magsulputan ang mga isda kada taon sa malapit sa dalampasigan dahil sa pagdaloy ng tubig na nagmumula sa Agusan patungong Surigao del Norte.

Labis naman ang pasasalamat ang mga mangingisda dahil pambawi na raw nila ito sa nawala nilang kita nang manalasa ang habagat sa kanilang lugar.-- FRJ, GMA News