Viral ngayon ang video ng isang aso na sumakay sa jeep para hanapin ang kaniyang amo.

Ayon sa kuwento ni YouScooper Nova Tapuyao, may sumakay na lalaki malapit sa Kapitolyo sa Cebu at doon din biglang sumakay sa jeep ang aso.

Tila balisa at parang may hinahanap umano ito habang nakadungaw sa labas ng sasakyan.

Noong huminto ang jeep sa stoplight, nasaktuhan nila ang amo ng aso na nakasakay sa katapat nilang sasakyan.

Gulat na tinawag ng babae ang aso na si "Vince" at doon na ito bumaba ng jeep.

Makikita sa video ang pagkatuwa ng aso ng makita ang amo.

Dagdag ni YouScooper, hindi na nila nakausap ang may-ari sa aso dahil sumakay na rin ito sa kabilang sasakyan.

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ng aso na tila pagpapakita umano ito ng katapan sa kaniyang amo. —KG, GMA News