Hashtag
BRAND TALK

8-year-old gets stellar surprise for first-ever birthday party


Isang masayang party na may ice cream, games, at mga regalo--iyan ang gusto ng bawat bata sa kanilang birthday.  Pero para sa ibang magulang, kahit ang isang simpleng salu-salo para sa kanilang anak ay nagiging pangarap na lang dahil sa  hadlang na taas ng mga bilihin.

Isa na doon si Nanay Delvina Garalde, ina ng 8-taong gulang na si Kassie. Mula pa noong unang kaarawan ng kanyang anak, pangarap na ni Nanay Delvina na mabigyan si Kassie ng isang birthday celebration.

“Gustuhin ko man magbigay sa kanya ng birthday party, hindi ko rin maibibigay dahil walang budget,” pagbabahagi ni Nanay Delvina.

Panganay si Kassie sa tatlong magkakapatid. Ayon sa kanyang ina, malambing na anak si Kassie at masipag na estudyante. Dahil dito, binigyan siya ng isang sorpresa ng Selecta: ang kanyang kauna-unahang birthday party. Panoorin kung bakit hinding-hindi ito malilimutan ng mag-ina:

Kasama ang Selecta, talagang happy kaarawan ang bawat birthday katulad ng kay Kassie. Wala nang mas sasarap pa sa pag-celebrate ng birthday party kasama ang pamilya, mga kaibigan, at ang Birthday 3-in-1+1 flavors ng Selecta! Kahit sa maliit na budget, matutupad ng mga magulang ang dream birthday ng isang bata basta may Selecta.

Brand Talk partners with the advertisers of GMA Network to create content valuable to its audience.