Filtered By: Topstories
News

Opisyal ng pulisya inireklamo ng pambubugbog ng stepson sa QC


Dinala sa presinto ang isang opisyal ng pulisya matapos ireklamo ng umano'y binugbog niyang anak ng asawa niya sa unang ka relasyon nito sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Dinala ng mga kapwa niyang pulis sa presinto si Superintendent Lorenzo Basia, dating miyembro ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group.

Ayon kay Froilan Macabenta, barangay tanod sa Holy Spirit, galing daw sa inuman sa isang birthday celebration ang pulis at pagdating sa bahay ay binugbog ang kanyang anak na lalaki sa panguman.

"Binugbog po. May mga pasa sa pisngi. Family problem daw. Ganoon daw iyon 'pag nalalasing eh," ani Macabenta.

Ayon sa ulat sa Unang Balita, kagagaling lamang sa suspensyon ni Basia.

Sinabi ni Basia na kaya niyang panindigan ang kanyang ginawa.

Ayon sa ulat, sa bandang huli ay nagkaayos din ang lasing na pulis at ang kanyang misis at ang anak nito. —ulat mula kay Mav Gonzales/ALG/KVD, GMA News

Tags: quezoncity