Pinoy style 'flip top' a new trend in hiphop music
May kakaibang estilo ngayon ng rap music na nauuso sa Pilipinas na kung tawagin ay âflip top" â na tila pagsama-samang pagkanta, debate at balagtasan. Sa ulat ni GMA News reporter Lala Roque sa primetime newscast 24 Oras nitong Biyernes, ipinasilip niya ang video sa YouTube bilang sample ng Pinoy flip top na nakakuha na ng six million views. Sa halip na karaniwang pagkanta sa paraan ng mabilis o kung minsan ay mabagal na pagbigkas ng salita, ang flip top ay ginagawa na tila debate na ma-balagtasan. Isang halimbawa ng tirada na ipinakita sa YouTube ay ang hirit na: âBakit ako magpapapogi? bakit ako magpapa-Belo, digmaan pinuntahan ko, hindi pagmomodelo."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Habang ang isa naman ay nagwika na: âNgipin mo nag-iiskandalo, hindi na secret, nakalabas bawat isaâ¦singlaki ng chiklet." Tulad ng Balagtasan â o dating debate sa paraan ng pagtula, kailangan ang ritmo sa mga binibigkas na salita, ganun din ang talas ng isip sa pagsagot sa katunggali sa flip top. Ayon sa rapper na si Ben-Deatha, miyembro ng grupong Salbakuta, bilib siya sa kakaibang rap na ipinakikita sa flip top. Nakikita ni Ben-Deatha na masaya ang naturang uri ng musika kahit ang tema ay tila nakasentro sa pang-aasar. â FRJimenez, GMANews.TV