Filtered By: Topstories
News

Hinihinalang biktima ng carnapping, nakitang patay sa Binmaley, Pangasinan


Isang lalaki na may sugat sa noo at ulo ang nakitang patay ng mga nagpapatrolyang barangay tanod sa isang bakanteng lote sa Binmaley, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Lunes, sinabing nakita ang bangkay ng lalaki nitong madaling-araw ng Linggo. May sugat umano ito sa noo at ulo nang matagpuan ng mga nagrorondang tanod sa lugar. May posibilidad umano na biktima ng carnapping ang lalaki dahil nawawala ang tricycle nito. - FRJ, GMA News