Filtered By: Topstories
News

'Indie' films, hindi ba pasado sa panlasa ng mga Pinoy?


Sakabila ng mga pagkilala at parangal na natatanggap ng mga Pinoy independent o “indie" films sa mga international film festival, bakit nga ba tila kulang ang suporta rito ng mga Pinoy moviegoers. Alamin ang pananaw ng premyadong direktor na si Brillante Dante Mendoza tungkol sa usaping ito. Sa naging panayam ni Jessica Soho kay Direk Mendoza sa State of the Nation (SONA) ng GMA News TV, binigyan-pansin ng premyadong direktor ang kahalagahan na magbago ang pananaw at pagtingin ng mga manonood pagdating sa pelikulang Pilipino. Narito ang kanilang talakayan: Jessica: Ngayon po, fresh from Venice sa Italy, makakausap natin live sa ating studio ang internationally acclaimed director na si Direk Brillante Dante Mendoza. Congratulations Direk… Mendoza: Salamat po. Jessica: At magandang gabi sa’yo. Mendoza: Good evening. Jessica: Una sa lahat, kwentuhan mo muna kami. Kumusta yung pagtanggap sa pelikulang "Thy Womb" sa Venice? Mendoza: Well, very positive. Napaka-inspiring actually. Yun nga, nagkaroon kami ng standing ovation, nakakataba ng puso at talagang pinalakpakan yung pelikula. At mararamdaman mo naman talaga na sincere talaga sila when they liked the film. In fact dun sa binigyan kami ng recognition outside the festival even before the awards night, e mas nakaka-ano na nga ‘yon, nakakataba ng puso. Jessica: Okay. Pero I’m sure nanghinayang din kayo kasi sana nag-translate yung pag-acclaim sa inyong pelikula dun sa top awards. Mendoza: Well, kasi sa akin naman kung mabigyan ka ng recognition na yun, sa akin napakalaking bonus na rin ‘yon. Kasi unang-una mapili ka lang dun sa 20 competing films, libo kasi ang pinagdadaanan dun parang winner ka na. At tsaka pangatlong Pilipino pa lang tayong nakapasok dun sa competition na yun so, natutuwa ako. Jessica: Tama ba direk? Kasi dati medyo matagal-tagal ang antayan bago kayo gumawa uli ng pelikula. Pero lately parang mas nagiging prolific yata kayo. Tama ba? Mendoza: Hindi naman. Actually, almost every… except yung last film ko yung “Captive," sobrang haba ng research ko doon. Umabot kami ng isang taon kasi gusto ko rin, kasi based on real life incident ‘yon. So I want to be very… Jessica: Yes, Dos Palmas... Mendoza: Yes, Dos Palmas yung “Captive." I want to be very factual. Dun sa lahat ng mga research ko at humaba na siya nang humaba kaya medyo natagalan na umabot ng isang taon. Kaya ito nung ipinalabas ko ‘yon, halos magkasunod na sila ng Thy Womb. Jessica: Itong "Thy Womb" ang kwento ay tungkol sa mag-asawa, tama ba Direk? Mendoza: Yes, mag-asawang… Jessica: It’s about the woman yung wife na hindi magkaanak. So, pinapayagan niya yung kanyang mister na sumiping sa ibang babae. Tama ba? Mendoza: Actually siya ang naghanap, siya ang naghanap para mapangangasawa para makapag-hanap ng mapapangasawa ang kanyang asawa. Na actually in their culture naman allowed ‘yon for as long as their wife agrees dun sa kanilang usapan. Jessica: Paano niyo napapayag si Nora (Aunor)? No less the superstar na gumawa ng ganitong film. At sabi niyo nga e, kayo mismo nagulat kasi hindi naman kalakihan yung kanyang talent fee. Mendoza: Oo. Actually, hindi ako nahirapan. Akala ko mahihirapan nga ako e. Unang-una contract star siya ng ibang… ng isang studio, ng isang network. Pangalawa siyempre hindi naman ganun kalakihan ang mga ginagawa – namin in terms sa budget – ng mga pelikulang ginagawa namin. Pero dun mo kasi makikita talaga kapag ang tao mayroong talaga siyang passion. At tsaka makikita mo talaga na totoong artist siya. Kapag sinabi mo yung kwento ganito, nakita niyang kakaiba, so she easily agreed. Hindi kami nagkaproblema. Jessica: Usually, kapag sinasabi nilang indie film, low budget. Pero dito yung rushes o yung film clips na madalas pinapakita sa TV, hindi mo mahahalata na low budget yung inyong ginamit dito. In fact ang ganda ganda nung mga eksena at sa Tawi-Tawi kayo nag-shoot. Mendoza: Actually, hindi naman totoo na kapag ang independent ay low budget. In fact, ang independent pwede rin siyang maging malaking-malaking produksyon. Kaya siguro siya naging independent kasi we are not produced by the mainstream studios. Jessica: Yes. Mendoza: Pero may budget din kahit papano, lalong-lalo na yung “Captive." Ganun ang kaibahan nito sa ibang mga ibang production ng mga independent film. Jessica: Tawi-Tawi, bakit po dun kayo nag-shoot e gayong alam naman natin na medyo may security problems. Hindi ba kayo nahirapan? Mendoza: Hindi kami nahirapan. Akala ko rin nung una mahihirapan kami. Kaya kami nag-shoot dun kasi parang nung una hindi rin kami sigurado kung anong i-sho-shoot namin doon. Sinabihan lang kami ni Briccio Santos yung chairman ng Film Development Council kasi this is partly produced ng Film Development Council. Parang i-try o kaya tingnan niyo lang baka meron kayong magawa doon. So we went there. Nung first time ako nagpunta dun, parang na-inlove na ako dun sa lugar at tsaka dun sa mga tao, ang babait nila. At tsaka iba yung lugar, iba yung kultura. Sabi ko, parang hindi magiging buo ang pagiging Pilipino mo kung hindi mo ‘to makikita; na mayroon pa palang ganitong lugar sa Pilipinas; na karamihan sa atin hindi natin alam pati yung kultura nila. So sabi ko, siguro ito yung perfect sa istorya. Jessica: Direk, yung “Thy Womb" napanood na sa ibang bansa. Kayo na rin ang nagsabi kanina dun sa inyong soundbyte when you arrived na some people are criticizing na, ‘bakit nauuna pa yung mga foreign audiences kaysa sa mga Pilipino?’ Ipapalabas po ba itong “Thy Womb" commercially dito sa Pilipinas? Mendoza: Actually sa totoo lang po ipinapalabas po dito sa Pilipinas ang mga ginagawa naming pelikula. Lalong-lalo na ako. Ang ano lang po kasi ang mga festival, kumbaga they’re perfect venue for this kind of films. Kasi hindi lang po nakikilala ang pelikula natin sa bansa natin, kundi buong mundo. Jessica: Opo. Mendoza: And we are in this major festivals, mga major po ‘to. Jessica: Sa Cinemalaya pinalabas po yung “Thy Womb?" Mendoza: Hindi po siya. This is the first time. Kasi they required a world premier. So kapag nag-world premier ka sa tatlong major festival, this is Cannes, Berlin and Venice, and actually Toronto, buong mundo po napapanood nila ito. So sa akin, it’s a perfect venue. Para maipakita yung pelikula at tsaka yung galing ng mga Pilipino, ng mga artista natin. And then after that, we present also the films dito sa Pilipinas. Except that, kaya siguro nasasabi nating ‘di pinapalabas sa Pilipinas kasi tayo mismong mga Pilipino, hindi natin tinatangkilik ang mga pelikulang ganito. Ang mga audience natin they still go for mainstream, they still go, they still watch yung mga nation movies. At tayo kahit na ipalabas ito ng ano, minsan hindi inaabot ng tatlong araw, limang araw kasi tatanggalin na siya sa sinehan dahil walang nanonood. So hindi po totoong hindi pinapalabas dito ang mga pelikula ko. Pinapalabas ito, hindi lamang ang pelikula ko kahit may mga ibang winner na mga pelikula na pinapalabas sa major festival at nananalo, pinapalabas po dito. Jessica: So ito pong “Thy Womb," ipapalabas pa? Mendoza: Ipapalabas siya sa Pilipinas sa November. So sana ‘pag pinalabas siya, tangkilikin natin para malaman din natin, maintindihan natin bakit ito tinatangkilik at bakit naa-appreciate at binibigyan ng parangal sa ibang bansa. Jessica: Tama. Aantayin ko yung mga…kasi wala akong masyadong oras manood ng sine lately pero pagka may commercially available na pong DVD o tape, I’m sure mas marami pang makakapanood katulad ko. Pero direk, may nakapansin lately na yung inyong mga pelikulang nauna, medyo sexy at violent. Pero ngayon daw parang may shift to more emotional films; yung inyong pelikulang the “Captive" at tsaka itong “Thy Womb," tama ho ba yung observation? Mendoza: Siguro nagkataon lang. Kasi unang-una, even before I have “Foster Child" nung una pa bago pa ‘yan mag-“Serbis," mayroon akong “Manoro" tungkol sa Aeta teacher. So even before ano ‘to “Kaleldo," mayroon din akong “Lola." So nagkataon lang. Siguro dito natin makikita na hindi ako interesado sa controversy na o yung mga ganitong klaseng pelikula. Mas interesado ako sa issue. Kasi ang pinag-uusapan dito issue. So nagkataon na yung pelikula ko ay tungkol siguro sa mag-asawa na naghahanap ng ano… naghahanap ng isang mapapangasawa para magkaroon sila ng anak. Mayroon din tayong gustong sabihin doon, mayroon din tayong gustong punahin dun sa kultura ng kababaihan… ng mga ganung klaseng kultura na mga kapatid nating Muslim. So, mas interesado tayo doon. And then sa “Captive," hindi siya emotional, it’s more of action-oriented. Nagsi-shift din ang ano natin… kasi depende yun sa mga issue natin na gustong sabihin at iparating sa ating manonood. Jessica: Kanina sinasabi niyo na hindi masyadong encouraging ang commercial runs nitong mga indie films sa Pilipinas. Pero the fact of the matter is, mas marami na palang pinu-produce na indie films kaysa sa mainstream movies. So, mas dominant na ang mga indie films dito sa Pilipinas. Mendoza: Totoo po yun. Kasi unang-una they are to acknowledge, recognize the technology. Pwede kang gumawa ng pelikula sa cellphone mo ngayon unlike before 35mm ang ginagamit. Kaya lang, hindi ibig sabihin nun lahat ang mga manonood natin, ang mainstream audience natin ay pinapanood ang mga pelikulang ito. Take for instance ang Cinemalaya, after the films are shown na talagang daming nanonood nun for one week. But after that, wala na ang pelikula, di ba? Sa dami ng pelikulang pinapalabas dun mga dalawampu. Jessica: Pero yung huling Cinemalaya may mga nag-commercial runs na mga movie dun. Mendoza: But that doesn’t mean na kapag nag-commercial ka e may manonood sa’yo. Okay. When you say commercial run, that means you had like say mga fifteen to twenty theaters. Jessica: Opo. Mendoza: Kapag nasa Cinemalaya ka, isang sinehan ka lang. So kapag nasa isang sinehan ka lang pinapalabas, mararamdaman mo talaga maraming manonood sa’yo ‘di ba? For one screening. Kapag maraming sinehan na ‘yan, showing in one day, halimbawa 20 cinemas ‘yan, kalat ang mga tao. So hindi mo masasabi na pinapasok talaga yung mga independent. Jessica: Sa palagay niyo ho, ano ang major push na kinakailangan ng indie films? Kasi baka pwede na parang MMFF na pagka-linggo nila e walang ibang palabas, walang foreign films na pumapasok. Pwede bang makarating sa ganung level itong indie films na they will come a time na kapag may major film festival featuring indie films, walang ibang mapapanood sa lahat ng ating mga sinehan kundi yung mga pelikulang yun? Mendoza: Pwede. Pero alam mo yun, that’s the extreme possible. Kasi unang-una… Jessica: Wish ko lang… Mendoza: Oo, wish ko lang na mangyari ‘yan. Pero hindi kasi ganun e, hindi kasi ganun kadali. Unang-una napakalalim ng ano… napakalalim ng kailangan nating gawin para i-push ang mga ganitong klaseng pelikula. Unang-una, hindi natin tinitingnan ang mga ganitong klaseng pelikula lalong-lalo na yung mga alternative as a form of entertainment. They’re used to watching films to be entertained. And ilang taon na ‘yan ‘di ba? For 50 years I’m into, we’re into commercialism. Yung cinema, ganun yung tingin natin sa cinema, nakakalungkot. Pero at the same time it’s very encouraging. Kasi ngayon, marami nang mga pelikulang ganito. Kumbaga one step at a time. Hindi mo kasi kayang gawin ‘yan overnight. Kaya kung talagang gusto mo ang ginagawa mo at ito ang katotohanan or wala ka talagang audience at gumawa ka lang ng tama, gawin mo lang nang tama ang pelikula mo. Kasi hindi ‘to mapipilit parang i-shift yung mind set ng tao. Jessica: Yes. But there’s always hope. Mendoza: Of course, oo. Jessica: At sabi nga nila, to borrow a line. Build it and the audience will come, ‘di ba? Mendoza: Of course. Jessica: Maraming salamat, Direk Brillante Dante Mendoza. Mendoza: Thank you. Jessica: Goodluck po sa inyong mga pelikula pang susunod. I’m sure marami pa. Mukhang maganda yung environment ngayon for this type of movies. Maraming salamat po. Tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino lalo na ang mga independent or indie films. Good evening po. Mendoza: Thank you. – Kathleen Laspoña/FRJ, GMA News