Filtered By: Topstories
News

Coast Guard: Bilang ng namatay sa trahedya sa Cebu, umabot na sa 61


Umabot na sa 61 nitong Martes ng umaga ang bilang ng mga namatay sa banggaan ng pampasaherong barko at isang cargo ship sa Cebu noong Biyernes ng gabi.
 
Sa Twitter account nito, sinabi ng Philippine Coast Guard na nananatiling 750 ang bilang ng mga kataong nailigtas nitong 9:55 ng umaga.
 
Gayundin, 59 namang mga katao ang nawawala at pinaghihinap pa.
 
Nagpatuloy nitong Martes ang search operations para sa mga posibleng nakaligtas o mga labi ng mga biktima ng lumubog na barkong MV Saint Thomas Aquinas 1.
 
Lumubog ito matapos mabunggo sa cargo vessel na Sulpicio Express 7 noong Biyernes ng gabi.
 
Nagdulot rin ang bungguan ng oil spill na nag-aapekto sa bayan ng Cordova.
 
Noong Lunes, nagdeklara ng state of calamity ang Cebu provincial government sa buong probinsya dahil umano sa epektong dulot ng oil spill sa mga lokal na mangingisda. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
LOADING CONTENT