Filtered By: Topstories
News

'Misteryosong' sea creature, napadpad sa dalampasigan ng Aparri, Cagayan


Humihingi ng tulong sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga residente sa isang barangay sa Aparri, Cagayan para matukoy ang kakaibang nilalang sa dagat na napadpad sa kanilang dalampasigan.



Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing naagnas na ang hindi pa malamang uri ng nilalang mula sa dagat. Wala raw itong kalikskis pero pilak ang kulay nito.

Tinatayang nasa lima hanggang anim na metro raw ang haba nito. Wala rin daw itong ulo at buto nang matagpuan. -- FRJ, GMA News.