Filtered By: Topstories
News

Sino si 'Selang Bagsik' ng Malibay?


Matapang, walang takot.  Ang katangiang ito raw ang kinatakutan ng mga mananakop na Kastila noon kaya binansagang "Selang Bagsik," ang bayaning Pinay na nagmula sa Malibay, Pasay City.

Kabilang si "Selang Bagsik" o Marcela Marcelo sa mga tinatawag na "unsung heroes" na nakipaglaban sa mga mananakop na Kastila upang makamtam ng mga Pilipino ang hinahangad na kasarinlan.

Kakaunti lamang ang tala tungkol sa buhay ni Marcela at ang kaniyang pagiging lider ng isang hukbo na lumaban at nagbigay ng sakit ng ulo sa mga Kastila.  

Sinasabing dinakip ng mga Kastila ang mister ni Marcela, at mayroon silang isang anak na ipinagkatiwala niya sa kapatid nang sumama na siya sa rebolusyon.

Sa isang engkwentro sa Cavite na tinawag na "Battle of Pasong Santol" sa Imus noong Marso 1897, sinasabing nasawi si "Selang Bagsik" habang nakikipaglaban sa edad na 27.

Isang paaralan ang ipinangalan kay Marcela Marcelo sa Pasay City. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia