Filtered By: Topstories
News

VIRAL: Sekyu, mala-Brian McKnight kung bumirit


Viral ngayon sa social media ang video ng isang security guard na umaawit ng "Back at One" ng American singer na si Brian McKnight.
 
 
 
Marami ang humanga sa magandang boses ni Garry Japeth Flores, lalo na at umawit ito nang acapella o walang anomang background na tunog gaya ng gitara o minus one.
 
Nagkaroon na ng halos 5,000 likes, 2,000 shares, at halos 400 na comments mula sa netizens ang naturang video simula nang i-post ito ng Facebook page na Davao Eagle Online noong nakaraang Huwebes. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News