Filtered By: Topstories
News

Bunga ng puno ng saging, halos sumayad na sa lupa dahil sa dami


Agaw-pansin sa Santa Barbara, Pangasinan ang isang puno ng saging dahil hitik na hitik ito sa bunga na tinatayang abot na raw sa isang libong piraso.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing manghang-mangha ang mga nakakita sa puno dahil ngayon lang sila nakakita ng ganitong saging na sobrang dami kung mamunga.



Ang tangkay na pinagkakabitan ng mga bunga, halos sumayad na lupa at kasing taas na ng tao.

Kinailangan daw ilipat na ang bunga sa tabi ng kalsada para hindi makasagabal sa bakuran ng may-ari.

Sa dami ng bungan, ipinamimigay na lang daw ito ng may-ari. Pero iminungkahi ng municipal agriculturist, huwag itong galawin para mapag-aralan nila kung bakit napakarami ng bunga ng puno. -- FRJ, GMA News

Tags: banana
LOADING CONTENT