Filtered By: Topstories
News
AWAY NA NAUWI SA PATAYAN

14-anyos na binatilyo, hinampas ng kahoy at napatay ang 22-anyos na ate


Nasawi ang isang 22-anyos na babae matapos siyang hampasin ng kahoy ng kaniyang nakababatang kapatid sa Aklan.

Sa ulat ni Nikko Sereno sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing mismong ang 14-anyos na salarin ang tumawag at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay para ipaalam ang duguang katawan ng biktima.

Kaagad na dinala ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na nauwi sa krimen.

Inaresto ng mga awtoridad binatilyo at ipinaubaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ng kaso sa binatilyo. -- FRJ, GMA News