Filtered By: Topstories
News

SUV ng GMA reporter nabiktima ng ‘basag-kotse’ gang


Nabiktima ng "basag-kotse gang" ang Mitsubishi Montero ni GMA News reporter Steve Dailisan nitong Sabado ng gabi habang binibisita ang kanyang ina sa isang ospital sa Quezon City. 

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, dalawang lalaki ang bumasag sa kanang bintana ng sasakyan ni Dailisan habang nakaparada sa kahabaan ng Kamuning Road, sa tapat ng Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital.

Natangay ng mga suspek ang bag na naglalaman ng laptop at ilan pang mga gadget ng mamamahayag.

Naproseso na ng crime scene investigators ang SUV ni Dailisan habang patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang makilala at maaresto ang mga suspek.

—Joseph Tristan Roxas/ALG, GMA News