Nasakote nito Biyernes ng mga elemento ng National Bureau of Investigation ang limang Koreano na suspek online illegal gambling.

Ayon sa Ulat ng GMA News, nasukol ng mga operatiba ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga Koreano sa kanilang nakakubling operation center sa Pasig City.

Pahayag ni NBI Director Dante A. Gierran, dinakip ang mga suspek sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa PD 1602 kaugnay sa Section 6 ng R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Kinalala ang mga suspek na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim at Moon Kyu Kang.

Ayon sa NBI, nag-manage ng mga Koreano ng isang administrator web page para sa online sports betting, sports toto, at online casino.

Kasama din umano sa modus mga suspek ang money laundering operations.

Pilipili umano nga mga ito ang mga lugar kung saan sila magtatayo ng operation center, at kadalasan sa loob ng exclusive subdivisions upang matakasan ang mga mata ng batas.

Sa tulong ng mga pulis, natukoy ng NBI agents ang target area at nahuli sa akto ang mga suspek.

Ayon kay Gierran dihado ang pamahalaan sa mga "unlicensed operations" ng mga Koreano, at ang milyun-milyong peso na dapat ay mapunta sa kabang-bayan ay napunta sa wala.

Sinamahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek sa paglabag sa PD 1602 kaugnay sa RA 10165 sa Prosecutor's Office sa Pasig City.

Nahaharap sa anim na taon at isang araw hanggang sa 12 taong pagkabilanggo ang mga suspek kapag mapatunayang guilty ng hukuman. —LBG, GMA News