Dahil umano sa sobrang hilig sa pakikipagtalik at pananakit, nilaslas ng babae ang maselang bahagi ng katawan ng kaniyang ka-live in na isang duktor sa Laguna.

Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Kalayaan, Laguna dakong 3:00 p.m.

Ayon sa mga awtoridad, una silang nakatanggap ng tawag tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa lugar ng magka-live in.

Nang dumating ang mga pulis, inabutan nilang duguan ang biktimang duktor at kaagad na dinala sa ospital.

Samantala, dinala naman sa himpilan ng pulisya ang babae na umamin umano sa ginawa niya sa biktima.

Idinahilan umano ng babae na nagawa niya ang paglaslas sa maselang bahagi ng katawan ng duktor dahil sa labis na pagkahilig sa pakikipagtalik at kung minsan ay sinasaktan pa raw siya. -- FRJ, GMA News